“uuuuungaaaaaaaaahhhh”
dyan nagsimula ang lahat. diyan nagsimula ang unang paglukso ng dugo ko ng makalabas ako mula sa sinapupunan ng aking ina. dyan din nila napagtanto na lalaki akong pasaway na tao. hehe. (yung sadistang doktor kasi. hindi pa man ako nakakapagsimulang maghasik ng ka-FLIPan sa mundo. ayan. pinalo na niya ako sa pwet! ang sakit kaya nun. hmp) pero, ganunpaman, kailangan ko pa rin naman nun, para makalanghap ako ng sariwang hangin sa loob ng delivery room ng ospital. hehe. salamat, dok! pagkatapos, tuwang-tuwa ang nanay ko, lalaki raw akong mabaet. (hindi kaya). haha. basta. ewan ko ba. mas gusto ko pang maging gago kesa maging mabaet. minsan tuloy, nagtataka ako. bakit ang dami ko pa ring mga kaibigang naniniwala sa akin at nagmamahal. hindi kaya flip din sila? hekhek.
life.
in tagalog, buhay. sabi ni katropang wikipedia, Ang buhay ay isang kalagayan na binubukod ang organismo mula sa inorganikong mga bagay, i.e. walang-buhay, at patay na mga organismo, na nakikilala sa pamamagitan ng paglago sa pamamagitan ng metabolismo, reproduksyon, at ang kapangyarihang makibagay (adaptation) sa kanyang kapaligiran na nagmumula sa loob. Ang pag-aaral sa mga organismong buhay ay biolohiya o biology. yan daw un. pero, kung akong tatanungin. wala kang mapipiga sa akin. hehe. joke lang. ahm, kahit papaano naman siguro may natutunan din ako tungkol sa buhay. kung ano yun. magpatuloy lang kayo sa pagbabasa.
ang buhay para sa akin ay isang required na subject. at ang teacher mo dito e si God. maraming naka-enroll sa subject na ito, bilyun-bilyon. mga walong bilyon siguro. pero, di na mahalaga yun kasi ang importante. kinukaha mo ito, kinukuha ko rin ito at kinukuha natin lahat ito. si God ang nagpapatest, naglelecture at nagbibigay ng mga assignments. (makikita mo sa biblya yun, tol) minsan sa buhay. kahit anong saya natin, mamaya biglang magpa-pop quiz si God. hindi ka prepared kaya minsan bumabagsak ka. pero, pag nagreview ka at naunawaan mo yung lesson na itinuro sa iyo ng diyos, sigurado ako, pasado ka. (ehem! pa-burger ka pala. pasado e.) pero, yung mga iba. sinisisi nila ang diyos. “bakit daw ganto? bakit daw ganyan?
ako po si john paul castillo, 13 years na akong nag-aaral. nag-recess. nagrecite. nagquiz. nagtest. nangopya at nagpa-kopya. humiram ng ballpen, libro, pocket books at di na binalik. (bigay nalang ata nila sa akin yun.) umattend ng cat (5 times pare! haha. bagong record), napa-down! nagflag ceremony, nagtaas ng flag, nagnakaw ng baon ng may baon. (ham lang naman yun a?) na-drop sa cat. nakipag-inuman sa beach nung walang pasok nang hapon. humingi ng textmate sa mga classmate. nagka-girlfriend. nabusted. nagpa-chippy (nung first year! @#@@#! bata pa ako nun e.) lahat ito naranasan ko. lahat. pwede kang magdrop, pero huwag na huwag mong sisihin ang mga magulang mo bandang huli. kasi bandang huli ikaw din naman ang magbe-benefit niyang pag-aaral mo. kung anuman ang matapos mo bandang huli. sa iyo rin mapupunta iyan. kaya huwag na huwag mong sisihin ang mga magulang mo. eto, ang mabibigay kong advice. (even though, hindi ako magaling magbigay ng advice.) habang may pera, mag-aral ng mag-aral. lalo na ngayon. grabeh. panay ang taasan ng mga panguhing produkto. mahirap na ang pera. mahirap na rin ang buhay .( kaya saludo ako sa mga magulang diyan na walang sawa’t kapagurang iniaaho’t ginagapang ang kanilang mga anak para makapagtapos ng pag-aaral. saludo po ako sa inyo. kayo po ang totoong idol ng bayan!) huwag kang magloloko. (huwag kang tutulad sa akin na nagloko. promise! pagsisihan mo rin bandang huli) isipin mo, pag nakatapos ka na. pag titulado ka na. doon mo nalang gawin lahat. doon ka nalang maglustay ng pera. doon ka nalang mambabae. doon mo nalang lahat gawin yun. pera mo na iyon e. pero, ngaun. habang nasa puder ka pa ng magulang. huwag na huwag mong gagawin yun. dugo’t pawis ang puhunan nila diyan e. makonsensiya ka naman. kaya ang dapat mong igante sa magulang mo e. walang iba kung hindi ang makita ka nilang nasa taas ng stage. naksuot na kulay itim na toga. wala na siguro silang hahanapin pa. and i’ll assure you. na mapapasaya mo sila more than you’ll ever know.
No comments:
Post a Comment