“pssst! oo! ikaw! oo! ikaw nga! gusto mo ng tsika? halika rito. wala kang ibang gagawin kundi idilat ang iyong mga mata at magpatuloy sa pagbabasa ng babasahin na ito. okay ba yun, juan dela cruz at maria clara?
sino nga ba si JUAN DELA CRUZ?
si juan na laging nasa listahan ng mga pulis? si juan na laging may hinihimas na bakal sa kanyang mga kamay? si juan na laging nakatambay sa kanto? si juan na laging humihithit ng yosi at umiinom na alak? si juan na laging abala sa kapipindot ng daliri sa keypad ng cellphone? si juan na laging nasa labas ng bahay? si juan na laging napapariwara? o si juan na laging naghahanap ng mga kasagutan sa tanung sa taas?
marahil, isa jan ay si juan. marahil, tama ako. marahil,
ayon sa isang source, ang pangalang JUAN DELA CRUZ na ginagamit nating pantukoy sa mga noyping kagaya mo’t kagaya ko ay nagmula sa isang peryodistang scottish na nagtrabaho noon sa manila times noong 1900’s. ibinase raw ito ni mr. r. mcculloch-dick sa pangalang pinakamadalas makita sa blotter ng pulisya noon. kung may kinalaman ito sa estado ng lipunan at pagkatao ngayon. aba’y wala na akong alam jan.
pero, sa pagsulat ko ng obrang ito, lumipad sa utak ko tuloy ang katungang. “tamad nga ba si juan?” ang naging sagot ko dito ay isang malaking HINDI. yun ang palagay ko. (kung may makabasa man nito at taliwas ng sasabihin ko ang pinaniniwalaan niyo. wala akong magagawa. opinyon ko ito. kaya pagbigyan niyo na ako. ako naman ang bida dito e.) hindi tamad si juan, maghapon nga siyang nag-gagala e. lagi nga siyang wala sa bahay samantalang ang ina ni juan, nagpapakahirap para makahanap ng ikakabuhay nila. hindi tamad si juan, maghapo’t magdamag nga niyang hawak ang cellphone niya e. maghapo’t magdamag din siyang nagtetext. hindi tamad si juan, lagi siyang tumatambay sa kanto. hindi tamad si juan, lagi nga siyang gumagastos, makainom at makapagyosi lang. marahil, alam niyo na siguro ang gusto kong ipahatid. gusto kong bigyan ng kapangyarihang makakita ang mga bulag niyong mga mata. gusto ko, bilang isang kabataan, mabuksan ko ang mga isip niyong matagal ng di gumagana patungkol sa problemang pambansa. di ba nga ang sabi sa asignaturang filipino na sinabi naman ni dr. jose p. rizal, na tayong mga kabataan ang siyang pag-asa ng bayan. ang tanong ko, kung nasaan na yung sinabi niyang yun. dapat gisingin natin ang natutulog na utak natin. buksan nating ang bulag nating mga mata sa korupsyon at proverty. ilan lamang yan sa suliraning pambansa. pero, sa tingin ko kung maibsan natin ito. siguro naman, uunlad tayo kahit papano. marami na tayong pinagdaanan. mula pagsakop ng kastilla hanggang sa zte-scandal ni pang. arroyo. at sa kabila ng lahat ng ito nanatili pa rin tayong matatag. alam kong totoong hindi tamad si juan. lagi siyang nangangarap paano aasenso sa lipunan. ngunit, paano natin ito makakamit kong sa bahay pa lang nga e nag-aaway na ito. di ba sabi sa asignaturang values. ang pamilya ang pinakamaliit na yunit ng lipunan-ibig sabihin dito dapat magsimula. unti-untiin natin hanggang umabot sa bansa. at tinitiyak kong aasenso tayo.
No comments:
Post a Comment