Tuesday, May 27, 2008

Si pambihirangsuman at ang mga kwento..


NOYPI.

ang lahing ipinaglaban nila pareng rizal, bonifacio, mabini, aguinaldo, quezon, lapu-lapui, aquino at ni ninong many(pacquiao). hehe. para mailigtas tayo sa kamay ng mga dayuhang nanlupig sa ating inang bayan. halos apat na daang taon tayo inalipi’t inalipusta ng mga dayuhan, ang kastilla, hapon at amerikano. (pati ata mexicano? buti nalang at nanjan si ninong ko. mabuhay ka PACMAN!) isipin niyo kong paano tayo ipinagtanggol ng mga bayaning ito sa kamay ng mga dayuhan. isipin niyo kung paano nila ibinuwis ang sarili nilang buhay para sa perlas ng silangan. –kung anong kinalaman nito sa bago kong entry. haha. malaking WALA. haha. design lang.

maglalabin-pitong taon na akong nabubuhay sa mundong ito, marami na akong napagdaanan. paghihinagpis, pagkakatuwa, pagsisisi, paglulumbay, pagdiriwang at kung anu-ano pa. nasubukan ko pa ngang humiga sa buhangin at gumulong-gulong dito. nasubukan kong magpakain ng bibe (haha). nasubukan kong madapa at bumangon ulit (pero, sa pagbangon mo. may konting gasgas pa. syempre, time will heal your wound.) hehe. nasubukan kong umiyak ng sobra-sobra. nasubukan kong tumawa ng tumawa. nasubukan kong pagtawanan. nasubukan kong mapilayan. at nasubukan ko ring umuwi ng gabing-gabi dahil sa paglalaro ng basketball (na tiyak kong pagsisihan niyo, kapag nanay niyo ang nanay ko.)

strikto ang nanay ko. kung sino man ang lumabag sa batas niya. may kapalit itong kaparusahan. gaya ng di pag-uwi ng tama. kasi sa bahay ang curfew e alas-sais ng gabi. pag lumagpas ka na dito, aba’y asahan mo nang hindi ka na papasukin ni mama. kaya ang dapat mong magandang gawin e. maghanap ka na ng tutulugan. mabaet naman ang nanay ko. mabaet siya kung sa mabaet. maaway kung sa maaway. madali rin siyang pakisamahan, huwag na huwag mo lang ngang lilikohin kasi yun ang pinaka-ayaw niya. pero, pag nag-POWER TRIP na si mama, nagFULL charge na yung temper na niya. daig mo pa ang isang linggong panenermon ni fr. dennnis sa simbahan pag naghohomily siya. ihanda mo na rin ang pinakamakapal na bagay na mapapangtapal mo sa mukha mo kasi siguradong uulanin ka ng mga maaanghang na mga salitang ibinabato ng bibig niya. pero, kung nasa GOOD MOOD si mama, hehe. daig mo pa ang nagwagi sa sugal. ihanda mo na ang sarili mo para sa mahaba-habang kainang magaganap sa bahay ko. tawagin mo na rin ang kabarkada mo, kasi kahit barkada ko hindi kayang ubusin ang inihanda ni mama sa sobrang dami. pero, tingin ko kaya strikto si mama kasi ayaw niya akong mapahamak. ayaw niya akong mapariwara at malayo sa tamang landas – na dati ko nang tinahak. ayaw niya na akong mabalik dito. kabaligtaran ng ugali ni mama ko si papa ko. pero, parehas pa rin silang strikto pag dating sa pag-aaral ko. kung gaano kahigpit sa pera si mama ganun namang siyang kaluwag Pagdating kay papa. ang gustong-gusto ko sa ugali ni papa e. “tahimik pero may ibubuga” alam mo yun. kahit tahimik siya. marami siyang alam. tungkol sa mga bagay-bagay. yung tipo ba na hindi siya nagsasalita hangga’t di nilalabag yung karapatan niya bilang isang tao. kaya ang tingin ko sa tatay ko ay isang halimbawa ng isang matalinong tao. alam niya kung anong dapat niyang i-sekreto at isilawalat. alam niya kong kailan siya dapat makialam o kung kailan dapat hindi. siguro, kaya ganun nalang siya i-respeto ng mga tao dito sa amin. (pero, huwag ka! respetado ang tatay pero ang anak, FLIP. hehe. bigatin noh?) pero, kahit ganun, pinangingilagan ko pa rin si papa. responsable siyang ama, hindi siya katulad ng ibang ama diyan na walang ginawa kundi magsugal, uminom at magyosi. madaling pakisamahan si papa. magkwento ka lang tungkol sa lakers, magbolahan na kayo. ayon. congratulations! nakuha mo na kiliti niya.ang hindi ko malilimutang pangyayri e nung ika-dalawampu’t pito ng disyembre, taong dalawang libo’t pito. haha. tae. UFC niya ako. ung parang niwrestling. haha. pero, di pa rin siya nagwagi. sa bandang huli siya ang nagsisi. haha. malakas ata ako? kaya kong tumanggap ng maraming sipa, tadyak at suntok. kilala mo ba trainer ko? (tagal ko rin siyang trainer. actually, mula pagkabata pa.) walang iba kundi si EMA. haha. (ang dami ko nang compliments kila mama at papa. sana dagdagan nila allowance ko.) haha.

marami akong pangarap. una na dyan e makapagtapos ng pag-aaral. para sa maliit lang na bagay e magantihan ko man lang ang mga paghihirap at pagsisikap ng mga magulang ko. wala na sigurong mas sasaya’t liligaya sa pagkamit ng kasulatan na ikaw ay tapos na. tapos, pagkatapos mo sa kolehiyo. dito mo na uunti-unitiin ang pangalawag pangarap mo. sa akin, magpapatayo ako ng bahay doon sa may pakurbada sa tapat ng police station sa sto.rosario, iba, zambales. pangatlo, magkaroon ng responsableng asawa, malulsog na mga anak at matiwasay na pamumuhay. alam kong madali ko tong makakamit kong magpapakatino ako. magtityaga at magpupunyagi sa aspeto ng pag-aaral. isapuso’t isaisip at isagawa mo ang mga hakbang patungo sa iyong mithiin. ibsan ang mga bagay na walang kinalaman at nakakasira sa iyong pangarap. gawing inspirasyon ang magulang. huwag magpabaya sa pag-aaral. yan lamang ang alam kong maaaring gawin mo para makamit ang mithiin. hehe. TAMA NA NGA ANG TUNGKOL SA AKIN! O SIGE SAYO NAMAN.=)

KAIBIGAN? naranasan mo na bang mag-isa? naranasan mo na bang magdusa? (yung bang feeling mo e wala ka nang karamay sa buhay.) naranasan mo na bang magdalawang isip kong magpapakamatay ka na? pews, kung naramdaman mo na. hindi ka nag-iisa. marami kayo, TAYO! gusto kong ipahatid sa iyo na nandito lang ako handang laging sumuporta, gumabay at magbigay ng payo (kahit di ako marunong) sa iyo sa anumang oras at araw na naisin mo. ayaw kitang nakikita o nababalitaang nahihirapan. bakit? kasi mas dama ko ang pasakit mo e. kaya huwag ka nang malungkot. gawin mo nalang akong clown ( I can be that!) hindi ako magaling magbigay ng payo. pero, para sa iyo mayroon akong natitirang kaalaman na gusto kong ibahagi sa iyo. kung iniwan at nawalan ka ng minamahal sa buhay, magMOVE ON. may mga pamilya’t kaibigan ka pa naman na natitira na naghihintay lang ng pagmamahal mo. di ba? kung siya talga ang para sa iyo. kayo pa rin ang magkakatuluyan bandang huli. kung napagalitan ng sino man, tanggapin ito bilang isang hamon. dapat sa susunod hanapin mo ang dahilan kung bakit ka napagalitan. at itama na ito bandang huli para naman yung galit sa iyo e mapalitan ng puri. kung nawalan ka nang pera. (wala raw si Jepoy, umalis, tulog, may sakit sa pagiisip kaya nagpa-check up. ay mali! tumalon pala sa building. ayon nasa morgue. tawagin ko pa ba? haha)edi sa pulis ka magreklamo. wala akong pera. kung ang problema at suliranin mo sa buhay. ay lagi mong didibdibin at seseryosohin. hehe. tatanda ka bigla. (ayaw mo naman siguro yun?) tapos, sasabayan mo pa ng ngawa, lalo mo lang papatandain ang mukha mo. tapos bandang huli. ikaw pa ang siyang magmumukhan kawawa (sigh). kasama mo ako sa lahat ng lakbay mo sa buhay at siyempre, baun-baon din kita sa puso’t isipan ko. kasama kita sa lahat. sa hirap at ginhawa, sa tagumpay at pagkabigo.(maging ang pag-upo ko sa sariling trono sa loob ng cr). hehe. ako ang magiging flashlight mo pag brown-out. hehe. ako ang magiging gabay mo, anuman ang piliin mong landas, kaya pag problemado ka. magvideo oke nalang tayo. magpakasaya. kumain. humalakhak. at limutin si problema sa buhay natn.

REPA, hindi pag-inom ng alak ang sagot sa problema. huwag mong gayahin ang mga sunog-baga dyan. wala kang laban. sanay sila. ikaw hindi. ikaw din. at yung iba din na yung problema e dinaraan sa pag-iinom ng alak. pangit yun. walang maidudulot na kabutihan sa katawan. anong napapala nila doon? gumagastos lang sila. sa totoo lang wala rin namang mangyayari sa kanila. sa inaakala nilang mawawala ang problema nila, lalo pang nadaragdagan ito. nadaragdagan pa ito ng panibagong problema. tingnan mo. paggising nila kinabukasan. mayron silang hang-over. oo. masakit sa ulo yun. siyempre, maghahanap ka na naman ng solusyon dito. mamomroblema ka na naman. kasi yung dapat panggastos mo sa pagkain. naigasta mo sa pambili ng walang kakwenta-kwentang alak. mababawasan na naman pera mo sa pambili ng biodesic. kulang na iyong pambili ng foods mo. kaya ang resulta, mangungutang ka. see? nadaragdagan lang ang problema mo. DON’T TAKE DRUGS! hmm. huwag na huwag kang titira ng bato o susundot ng damo. kasi “once an addict is addicted. it will always be addict.” gulo noh? malay ko ba jan. bastah, huwag na huwag kang magddrugs, adre. ano ngayon kung alapaap ang feeling? pag nawala ang epekto niyan masahol pa sa impyerno pakiramdam mo. atsaka, pag nasanay ka na jan o naadik. hinding hindi mo na maiiwasan yan. hahanap-hanapin mo na iyan. diyan mo na matutunan ang paglabag sa ika-pitong kautusan ng diyos. “huwag magnakaw.” sa sobrang adik ka na. lahat na ginagawa mo na. may sarili ka ng trip. kaya ang resulta? ayun. daig mo pa si ninoy sa loob ng selda. tapos sasabihin mo “hindi ko naman po, sinasadya e.” hindi ba? tama ako? isa lang naman akong nagmamalasakit at nagaalalang kabataan. kasi sa napapansin ko yung dating NAPAKAHINHIN na maria clara natin noon e. GABI-GABI NA SA DISCO, dinaig pa si annie batumbakal. gusto ko lang ipahatid sa inyo kung anong dapat at anong hindi. kasi ang iba dyan e naranasan ko na. mahirap. sa bandang huli, ako rin ang nagsisi, isang kabataan na walang naputanayan sa sarili. kung may girlfriend, girlfriend lang. NO MORE! NO LESS! huwag ka nang sumobra doon. kasi sa hirap talaga ng buhay ngayon, marami ka pang dapat matutunan. naniniwala akong lahat ng bagay ay may kanyang oras. kaya ang pag-aasawa e may tamang panahon para diyan. huwag manadaliin ang pag-aasawa. sa mas maganda ang buhay binata’t dalaga. (trust me on this one!)

sa buhay ngayon, dapat maging praktikal na. the simpler, the better! kung ano man ang mas simple. yung ang mas magandang gawin. hindi na kailangan ng arte-arte. tapos, tanggalin na natin ang manara habit nating mga pinoy, lets act now. kung magagawa na natin ngayon. wag na nating ipagpaliban pa. kung mag-aaral ka, mag-aral ka lang. wala nang iba! SIMPLE! di ba? i-set ang vision tsaka abutin ang goal. pero, dapat unti-untiin. one-at-a-time sabi nga.

napapansin mo ba ang pag-iba ng estado ng lipunan ngayon? naging malaki ang pagbabago ng patakaran. yung dating bawal yun pa ang lumalaganap ngayon. sir/madam, paano naman po kaming mga kabataan? sa baluktot niyo pong pamamalakad e. lalo po kaming naghihirap. hindi ba dapat nung 2000. asensado na tayo? sabi ni G. Fidel V. Ramos yun di ba? na “at the year 2000. Philippines will be one of the tigersin Asia. “ napakasarap pakinggan. ngunit napakapangit, isipin. dahil hanggang blue print – plano ang ito. hindi nila naisakatuparan. dapat magsimula sa mga namumuno sa bansa ang pagbabago. kung panay korupsyon ang pinapakita nila. talagang hindi aayon sa kanila ang masa, kaya dapat kaibigan sa 2010, magkaisa tayo. isipin muna natin ang siyang karapat-dapat na isulat sa balota. nasa atin pong mga kabataan ang pagasa ng bayan.

Monday, May 26, 2008

si JUAN.


“pssst! oo! ikaw! oo! ikaw nga! gusto mo ng tsika? halika rito. wala kang ibang gagawin kundi idilat ang iyong mga mata at magpatuloy sa pagbabasa ng babasahin na ito. okay ba yun, juan dela cruz at maria clara?

sino nga ba si JUAN DELA CRUZ?

si juan na laging nasa listahan ng mga pulis? si juan na laging may hinihimas na bakal sa kanyang mga kamay? si juan na laging nakatambay sa kanto? si juan na laging humihithit ng yosi at umiinom na alak? si juan na laging abala sa kapipindot ng daliri sa keypad ng cellphone? si juan na laging nasa labas ng bahay? si juan na laging napapariwara? o si juan na laging naghahanap ng mga kasagutan sa tanung sa taas?

marahil, isa jan ay si juan. marahil, tama ako. marahil, mali rin ako. sa loob ng walumpu’t walong milyong noypi na nagkalat-kalat sa buong kapuluan ng pilipinas at sa araw-araw na ibinagay at ipinagkaloob ng dakilang maykapal ay nakasalamuha’t nakilala ko si juan. pakalat-kalat sa paligid. animo’y litong-lito kung saang daan ang tatahakin. parang, gobyerno natin ang utak ni juan. magulo. nandyan lang si juan, nakatambay, nagtetelebabad sa cellphone, nakatunganga, nakatango, natututo, nagaalburuto, tumutulong, nagtutukso, naghahanap ng ikakabuhay, naiiyak, natutuwa at nagsisisi. yan si juan.

ayon sa isang source, ang pangalang JUAN DELA CRUZ na ginagamit nating pantukoy sa mga noyping kagaya mo’t kagaya ko ay nagmula sa isang peryodistang scottish na nagtrabaho noon sa manila times noong 1900’s. ibinase raw ito ni mr. r. mcculloch-dick sa pangalang pinakamadalas makita sa blotter ng pulisya noon. kung may kinalaman ito sa estado ng lipunan at pagkatao ngayon. aba’y wala na akong alam jan.

pero, sa pagsulat ko ng obrang ito, lumipad sa utak ko tuloy ang katungang. “tamad nga ba si juan?” ang naging sagot ko dito ay isang malaking HINDI. yun ang palagay ko. (kung may makabasa man nito at taliwas ng sasabihin ko ang pinaniniwalaan niyo. wala akong magagawa. opinyon ko ito. kaya pagbigyan niyo na ako. ako naman ang bida dito e.) hindi tamad si juan, maghapon nga siyang nag-gagala e. lagi nga siyang wala sa bahay samantalang ang ina ni juan, nagpapakahirap para makahanap ng ikakabuhay nila. hindi tamad si juan, maghapo’t magdamag nga niyang hawak ang cellphone niya e. maghapo’t magdamag din siyang nagtetext. hindi tamad si juan, lagi siyang tumatambay sa kanto. hindi tamad si juan, lagi nga siyang gumagastos, makainom at makapagyosi lang. marahil, alam niyo na siguro ang gusto kong ipahatid. gusto kong bigyan ng kapangyarihang makakita ang mga bulag niyong mga mata. gusto ko, bilang isang kabataan, mabuksan ko ang mga isip niyong matagal ng di gumagana patungkol sa problemang pambansa. di ba nga ang sabi sa asignaturang filipino na sinabi naman ni dr. jose p. rizal, na tayong mga kabataan ang siyang pag-asa ng bayan. ang tanong ko, kung nasaan na yung sinabi niyang yun. dapat gisingin natin ang natutulog na utak natin. buksan nating ang bulag nating mga mata sa korupsyon at proverty. ilan lamang yan sa suliraning pambansa. pero, sa tingin ko kung maibsan natin ito. siguro naman, uunlad tayo kahit papano. marami na tayong pinagdaanan. mula pagsakop ng kastilla hanggang sa zte-scandal ni pang. arroyo. at sa kabila ng lahat ng ito nanatili pa rin tayong matatag. alam kong totoong hindi tamad si juan. lagi siyang nangangarap paano aasenso sa lipunan. ngunit, paano natin ito makakamit kong sa bahay pa lang nga e nag-aaway na ito. di ba sabi sa asignaturang values. ang pamilya ang pinakamaliit na yunit ng lipunan-ibig sabihin dito dapat magsimula. unti-untiin natin hanggang umabot sa bansa. at tinitiyak kong aasenso tayo.

sana kahit katiting man lang e natamaan ko ang puso’t isipan niyo. mabiyay, pilipnas!

Friday, May 23, 2008

Untitled


“uuuuungaaaaaaaaahhhh”

dyan nagsimula ang lahat. diyan nagsimula ang unang paglukso ng dugo ko ng makalabas ako mula sa sinapupunan ng aking ina. dyan din nila napagtanto na lalaki akong pasaway na tao. hehe. (yung sadistang doktor kasi. hindi pa man ako nakakapagsimulang maghasik ng ka-FLIPan sa mundo. ayan. pinalo na niya ako sa pwet! ang sakit kaya nun. hmp) pero, ganunpaman, kailangan ko pa rin naman nun, para makalanghap ako ng sariwang hangin sa loob ng delivery room ng ospital. hehe. salamat, dok! pagkatapos, tuwang-tuwa ang nanay ko, lalaki raw akong mabaet. (hindi kaya). haha. basta. ewan ko ba. mas gusto ko pang maging gago kesa maging mabaet. minsan tuloy, nagtataka ako. bakit ang dami ko pa ring mga kaibigang naniniwala sa akin at nagmamahal. hindi kaya flip din sila? hekhek.

life.

in tagalog, buhay. sabi ni katropang wikipedia, Ang buhay ay isang kalagayan na binubukod ang organismo mula sa inorganikong mga bagay, i.e. walang-buhay, at patay na mga organismo, na nakikilala sa pamamagitan ng paglago sa pamamagitan ng metabolismo, reproduksyon, at ang kapangyarihang makibagay (adaptation) sa kanyang kapaligiran na nagmumula sa loob. Ang pag-aaral sa mga organismong buhay ay biolohiya o biology. yan daw un. pero, kung akong tatanungin. wala kang mapipiga sa akin. hehe. joke lang. ahm, kahit papaano naman siguro may natutunan din ako tungkol sa buhay. kung ano yun. magpatuloy lang kayo sa pagbabasa.

ang buhay para sa akin ay isang required na subject. at ang teacher mo dito e si God. maraming naka-enroll sa subject na ito, bilyun-bilyon. mga walong bilyon siguro. pero, di na mahalaga yun kasi ang importante. kinukaha mo ito, kinukuha ko rin ito at kinukuha natin lahat ito. si God ang nagpapatest, naglelecture at nagbibigay ng mga assignments. (makikita mo sa biblya yun, tol) minsan sa buhay. kahit anong saya natin, mamaya biglang magpa-pop quiz si God. hindi ka prepared kaya minsan bumabagsak ka. pero, pag nagreview ka at naunawaan mo yung lesson na itinuro sa iyo ng diyos, sigurado ako, pasado ka. (ehem! pa-burger ka pala. pasado e.) pero, yung mga iba. sinisisi nila ang diyos. “bakit daw ganto? bakit daw ganyan? sana ginanto mo nalang kami? sana ginanyan mo nalang kami.” ang mga tao talaga noh? hindi kontento. para sa akin, kaya may mga taong ganun, kasi tingin nila sa buhay nila. malas. hindi naman totoo yun. walang salitang malas sa totoo lang. hindi nag-eexist to sa taong nagpupunyagi’t nagsusumikap. yung mga taong yun siguro, sila yung taong tamad. tamad sila. kaya ang gagawin nila pag nagkan da leche leche ang buhay nila. ang gagawin nila e sisisihin nila si God. eto namang inosenteng si God. ang siyang mapagbubuntungan ng sama ng loob ng mga taong ito. kawawa naman siya. nasubukan ko na ring sisihin ang diyos. minura ko pa nga e. pero, sa bandang huli ako pa rin ang nagdusa. hm. wala kang mapapala sa kakatunganga mo at kakaisip mo na ikaw na ang pinakamalas na tao sa buong mundo. wala. wala kang mapapala. dapat ang gawin mo. be an optimistic person. stay positive. sa mga problemang napapagdaanan mo. pakita mo na kaya mo. and i’m pretty sure na ikaw din ang magbe-benefit bandang huli. sinisi ko dati si god. kasi feeling ko, ako na yung pinakatangang taong nilikha niya. alam mo yun. hindi ako pumasok ng dalawa o higit pang linggo sa eskwelahan. nagcomputer lang ako. naloko kasi ako sa online games noon. (pero, it’s a long long time ago na para sa akin yun at ayaw ko nang balikan pa) sinisi ko siya. minura. sa kabila nito, wala akong napala. nung napagtanto ko na uber mali na ako. at napapabayaan ko na ang buhay ko. humingi ako ng advice sa mga taong malalapit sa akin. yun nga. hindi raw mahirap magbago. lahat naman daw nakakagawa ng kasalanan. lahat kahit mga pari man. pero, who cares? tao pa rin naman sila. kahit may mga mapapait silang nakaraan. at least, nagbago sila for the betterment of their lives. kaya, naisip ko. tama yung sinabi nila. sinubukan ko. sa una, medyo nahirapan ako. kasi medyo may hang-over pa ako sa mga computer games. pero, di naglaon, nagbago ako. madali lang namang magbago e. (kung gusto mo) iwasan mo lang yung mga bagay na nakakasira sayo. humanap ka ng bagong mapaglilibangan (tulad ng sports). look at me, i’ve changed a lot.

ako po si john paul castillo, 13 years na akong nag-aaral. nag-recess. nagrecite. nagquiz. nagtest. nangopya at nagpa-kopya. humiram ng ballpen, libro, pocket books at di na binalik. (bigay nalang ata nila sa akin yun.) umattend ng cat (5 times pare! haha. bagong record), napa-down! nagflag ceremony, nagtaas ng flag, nagnakaw ng baon ng may baon. (ham lang naman yun a?) na-drop sa cat. nakipag-inuman sa beach nung walang pasok nang hapon. humingi ng textmate sa mga classmate. nagka-girlfriend. nabusted. nagpa-chippy (nung first year! @#@@#! bata pa ako nun e.) lahat ito naranasan ko. lahat. pwede kang magdrop, pero huwag na huwag mong sisihin ang mga magulang mo bandang huli. kasi bandang huli ikaw din naman ang magbe-benefit niyang pag-aaral mo. kung anuman ang matapos mo bandang huli. sa iyo rin mapupunta iyan. kaya huwag na huwag mong sisihin ang mga magulang mo. eto, ang mabibigay kong advice. (even though, hindi ako magaling magbigay ng advice.) habang may pera, mag-aral ng mag-aral. lalo na ngayon. grabeh. panay ang taasan ng mga panguhing produkto. mahirap na ang pera. mahirap na rin ang buhay .( kaya saludo ako sa mga magulang diyan na walang sawa’t kapagurang iniaaho’t ginagapang ang kanilang mga anak para makapagtapos ng pag-aaral. saludo po ako sa inyo. kayo po ang totoong idol ng bayan!) huwag kang magloloko. (huwag kang tutulad sa akin na nagloko. promise! pagsisihan mo rin bandang huli) isipin mo, pag nakatapos ka na. pag titulado ka na. doon mo nalang gawin lahat. doon ka nalang maglustay ng pera. doon ka nalang mambabae. doon mo nalang lahat gawin yun. pera mo na iyon e. pero, ngaun. habang nasa puder ka pa ng magulang. huwag na huwag mong gagawin yun. dugo’t pawis ang puhunan nila diyan e. makonsensiya ka naman. kaya ang dapat mong igante sa magulang mo e. walang iba kung hindi ang makita ka nilang nasa taas ng stage. naksuot na kulay itim na toga. wala na siguro silang hahanapin pa. and i’ll assure you. na mapapasaya mo sila more than you’ll ever know.

Sunday, May 4, 2008

hayskul.


akala ko e hindi na ako makakapag-move kasi nawala na ang mga kaibigan ko nung ako’y nasa hayskul pa lamang. tama nga ang matatanda sa mga sinasabi nila na ang hayskul e ang pinakamasayang parte ng buhay sa pag-aaral. based on my experience, oo nga tama nga na ang hayskul ang pinakamasaya. kasi dito mo unang natutunan ang lahat ng kalokohan. ang makultaban ka, pag mahaba na ang buhok. ang magpaputok ng piccolo sa harapan ng filipino faculty. ang masigawan ka ng guard dahil di ka nagpaalam lumabas. uminom ka pag walang pasok kinahapunan. ang mag drop sa colt-c kasi umalis din si mayo. ang babuyin ang pambansang awit habang ginaganap ang flag ceremony. di ba? dito mo lahat natutunan. dito ka unang umibig, dito ka unang nasaktan at magmahal muli. dito ka unang nagalit sa mga teachers mo kasi bumabagsak ka na. dito ka unang nakatikim ng alcoholic beverages tulad ng red horse, matador, smb at kung anu-ano pa. dito ka nagkaroon ng mga pinaka-solid na kaibigan, ang kaibigan na masasandalan sa bawat oras ng kagipitan. ang kaibigan na handang tumulong sa anumang oras na kailagan na walang hinihinging kabayaran. ang kaibigan na kasama mo sa lahat ng tsibugang nagaganap, mapa-jollibee, chowking o mapa-ema’s house man. dito mo unang naranasan na ikaw ay tao. ang ibig kung sabihin e, dito ka mas naging aktibo sa anumang larangan. sa academics o sa mga curricular activities man. dito mo naranasang umiyak, sa graduation day. kasi alam mong magpapaalam na kayo sa apat na taong ginugol niyo sa loob at labas ng mga portals ng eskwelahang kinagisnan niyo. dito ka nagpaalam at tinuluan ng mala-gallo na mga luha. pero, kahit na ngayong wala na sila sa buhay ko at sumasalubong na sa akin ang panibagong yugto ng buhay ko e mananatili pa rin silang nakaukit sa aking puso. at kailanma’y hindi maaalis. pagka’t ang “romo is always a romo and so is newton.” tama ang aking ina sa kanyang sinabing “hindi habang buhay kayo ang magkakasama. hindi sa lahat ng oras nandiyan sila. may sarili kang buhay, kaya karapatan mong paganahin ang buhay mo. kung hihilata ka lang maghapon dyan kakaisip sa kanila, walang mangyayari sa iyong buhay. walang mangyayari, matutulad ka lang sa mga adik diyan sa kanto na walang alam gawin kundi uminom, manigarilyo at kung anu-ano pa. subalit, pag pinatakbo ang iyong buhay sa tamang paraan, sa tamang proseso at sa tamang direksyon. uunlad ka! uunlad sa lipunanag kinabibilangan mo. at pag nagawa mo ito ng tama e. sinisigurado ko sayo na mananaig ka sa buhay. hindi ka matutulad sa iba na isang beses lang kumain sa isang araw.” kaya so long mga pay. kita-kita nalang tayo pag naka-suv na ako at meron na akong worth 55-million dollar house. hehe. i’ll spread my wings...and breakaway.