NOYPI.
ang lahing ipinaglaban nila pareng rizal, bonifacio, mabini, aguinaldo, quezon, lapu-lapui, aquino at ni ninong many(pacquiao). hehe. para mailigtas tayo sa kamay ng mga dayuhang nanlupig sa ating inang bayan. halos apat na daang taon tayo inalipi’t inalipusta ng mga dayuhan, ang kastilla, hapon at amerikano. (pati ata mexicano? buti nalang at nanjan si ninong ko. mabuhay ka PACMAN!) isipin niyo kong paano tayo ipinagtanggol ng mga bayaning ito sa kamay ng mga dayuhan. isipin niyo kung paano nila ibinuwis ang sarili nilang buhay para sa perlas ng silangan. –kung anong kinalaman nito sa bago kong entry. haha. malaking WALA. haha. design lang.
maglalabin-pitong taon na akong nabubuhay sa mundong ito, marami na akong napagdaanan. paghihinagpis, pagkakatuwa, pagsisisi, paglulumbay, pagdiriwang at kung anu-ano pa. nasubukan ko pa ngang humiga sa buhangin at gumulong-gulong dito. nasubukan kong magpakain ng bibe (haha). nasubukan kong madapa at bumangon ulit (pero, sa pagbangon mo. may konting gasgas
strikto ang nanay ko. kung sino man ang lumabag sa batas niya. may kapalit itong kaparusahan.
marami akong pangarap. una na dyan e makapagtapos ng pag-aaral. para sa maliit lang na bagay e magantihan ko man lang ang mga paghihirap at pagsisikap ng mga magulang ko. wala na sigurong mas sasaya’t liligaya sa pagkamit ng kasulatan na ikaw ay tapos na. tapos, pagkatapos mo sa kolehiyo. dito mo na uunti-unitiin ang pangalawag pangarap mo. sa akin, magpapatayo ako ng bahay doon sa may pakurbada sa tapat ng police station sa sto.rosario, iba, zambales. pangatlo, magkaroon ng responsableng asawa, malulsog na mga anak at matiwasay na pamumuhay. alam kong madali ko tong makakamit kong magpapakatino ako. magtityaga at magpupunyagi sa aspeto ng pag-aaral. isapuso’t isaisip at isagawa mo ang mga hakbang patungo sa iyong mithiin. ibsan ang mga bagay na walang kinalaman at nakakasira sa iyong pangarap. gawing inspirasyon ang magulang. huwag magpabaya sa pag-aaral. yan lamang ang alam kong maaaring gawin mo para makamit ang mithiin. hehe. TAMA NA NGA ANG TUNGKOL SA AKIN! O SIGE SAYO NAMAN.=)
KAIBIGAN? naranasan mo na bang mag-isa? naranasan mo na bang magdusa? (yung bang feeling mo e wala ka nang karamay sa buhay.) naranasan mo na bang magdalawang isip kong magpapakamatay ka na? pews, kung naramdaman mo na. hindi ka nag-iisa. marami kayo, TAYO! gusto kong ipahatid sa iyo na nandito lang ako handang laging sumuporta, gumabay at magbigay ng payo (kahit di ako marunong) sa iyo sa anumang oras at araw na naisin mo. ayaw kitang nakikita o nababalitaang nahihirapan. bakit? kasi mas dama ko ang pasakit mo e. kaya huwag ka nang malungkot. gawin mo nalang akong clown ( I can be that!) hindi ako magaling magbigay ng payo. pero, para sa iyo mayroon akong natitirang kaalaman na gusto kong ibahagi sa iyo. kung iniwan at nawalan ka ng minamahal sa buhay, magMOVE ON. may mga pamilya’t kaibigan ka pa naman na natitira na naghihintay lang ng pagmamahal mo. di ba? kung siya talga ang para sa iyo. kayo pa rin ang magkakatuluyan bandang huli. kung napagalitan ng sino man, tanggapin ito bilang isang hamon. dapat sa susunod hanapin mo ang dahilan kung bakit ka napagalitan. at itama na ito bandang huli para naman yung galit sa iyo e mapalitan ng puri. kung nawalan ka nang pera. (wala raw si Jepoy, umalis, tulog, may sakit sa pagiisip kaya nagpa-check up. ay mali! tumalon pala sa building. ayon nasa morgue. tawagin ko pa ba? haha)edi sa pulis ka magreklamo. wala akong pera. kung ang problema at suliranin mo sa buhay. ay lagi mong didibdibin at seseryosohin. hehe. tatanda ka bigla. (ayaw mo naman siguro yun?) tapos, sasabayan mo pa ng ngawa, lalo mo lang papatandain ang mukha mo. tapos bandang huli. ikaw pa ang siyang magmumukhan kawawa (sigh). kasama mo ako sa lahat ng lakbay mo sa buhay at siyempre, baun-baon din kita sa puso’t isipan ko. kasama kita sa lahat. sa hirap at ginhawa, sa tagumpay at pagkabigo.(maging ang pag-upo ko sa sariling trono sa loob ng cr). hehe. ako ang magiging flashlight mo pag brown-out. hehe. ako ang magiging gabay mo, anuman ang piliin mong landas, kaya pag problemado ka. magvideo oke nalang tayo. magpakasaya. kumain. humalakhak. at limutin si problema sa buhay natn.
REPA, hindi pag-inom ng alak ang sagot sa problema. huwag mong gayahin ang mga sunog-baga dyan. wala kang laban. sanay sila. ikaw hindi. ikaw din. at yung iba din na yung problema e dinaraan sa pag-iinom ng alak. pangit yun. walang maidudulot na kabutihan sa katawan. anong napapala nila doon? gumagastos lang sila. sa totoo lang wala rin namang mangyayari sa kanila. sa inaakala nilang mawawala ang problema nila, lalo pang nadaragdagan ito. nadaragdagan pa ito ng panibagong problema. tingnan mo. paggising nila kinabukasan. mayron silang hang-over. oo. masakit sa ulo yun. siyempre, maghahanap ka na naman ng solusyon dito. mamomroblema ka na naman. kasi yung dapat panggastos mo sa pagkain. naigasta mo sa pambili ng walang kakwenta-kwentang alak. mababawasan na naman pera mo sa pambili ng biodesic. kulang na iyong pambili ng foods mo. kaya ang resulta, mangungutang ka. see? nadaragdagan lang ang problema mo. DON’T TAKE DRUGS! hmm. huwag na huwag kang titira ng bato o susundot ng damo. kasi “once an addict is addicted. it will always be addict.” gulo noh? malay ko ba jan. bastah, huwag na huwag kang magddrugs, adre. ano ngayon kung alapaap ang feeling? pag nawala ang epekto niyan masahol pa sa impyerno pakiramdam mo. atsaka, pag nasanay ka na jan o naadik. hinding hindi mo na maiiwasan yan. hahanap-hanapin mo na iyan. diyan mo na matutunan ang paglabag sa ika-pitong kautusan ng diyos. “huwag magnakaw.” sa sobrang adik ka na. lahat na ginagawa mo na. may sarili ka ng trip. kaya ang resulta? ayun. daig mo pa si ninoy sa loob ng selda. tapos sasabihin mo “hindi ko naman po, sinasadya e.” hindi ba? tama ako? isa lang naman akong nagmamalasakit at nagaalalang kabataan. kasi sa napapansin ko yung dating NAPAKAHINHIN na maria clara natin noon e. GABI-GABI NA SA DISCO, dinaig pa si annie batumbakal. gusto ko lang ipahatid sa inyo kung anong dapat at anong hindi. kasi ang iba dyan e naranasan ko na. mahirap. sa bandang huli, ako rin ang nagsisi, isang kabataan na walang naputanayan sa sarili. kung may girlfriend, girlfriend lang. NO MORE! NO LESS! huwag ka nang sumobra doon. kasi sa hirap talaga ng buhay ngayon, marami ka pang dapat matutunan. naniniwala akong lahat ng bagay ay may kanyang oras. kaya ang pag-aasawa e may tamang panahon para diyan. huwag manadaliin ang pag-aasawa. sa mas maganda ang buhay binata’t dalaga. (trust me on this one!)
sa buhay ngayon, dapat maging praktikal na. the simpler, the better! kung ano man ang mas simple. yung ang mas magandang gawin. hindi na kailangan ng arte-arte. tapos, tanggalin na natin ang manara habit nating mga pinoy, lets act now. kung magagawa na natin ngayon. wag na nating ipagpaliban pa. kung mag-aaral ka, mag-aral ka lang. wala nang iba! SIMPLE! di ba? i-set ang vision tsaka abutin ang goal. pero, dapat unti-untiin. one-at-a-time sabi nga.
napapansin mo ba ang pag-iba ng estado ng lipunan ngayon? naging malaki ang pagbabago ng patakaran. yung dating bawal yun pa ang lumalaganap ngayon. sir/madam, paano naman po kaming mga kabataan? sa baluktot niyo pong pamamalakad e. lalo po kaming naghihirap. hindi ba dapat nung 2000. asensado na tayo? sabi ni G. Fidel V. Ramos yun di ba? na “at the year 2000.